Extra special ang opening number ng It’s Showtime nitong January 10 (Huwebes) dahil guest ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial.
Nakasama pa ni Barbie sa kanyang performance si Hashtag Paulo Angeles na isa rin sa cast ng teleseryeng PHR Presents Araw-Gabi. Tampok ang dalawa sa Maalaala Mo Kaya na mapapanood sa darating na Sabado, January 12.
Mas pinasaya naman ng dalawa ang kanilang fans nang humataw sila ng paboritong sayaw ng It’s Showtime family na “Switch It Up.”
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv