Muli na namang nagpasiklab ng kanilang astig na dance moves sina Jhong Hilario at Hashtag Zeus Collins sa It’s Showtime.
Nitong January 7 (Lunes), pinabilib ng dalawa ang madlang people nang ipakita nila ang Level 4 ng “Switch It Up” Challenge. Bago ito ay binati ni Jhong ang umawit ng “Switch It Up” na si Lavado dahil lagi raw itong nanonood ng noontime show. Inimbita pa ni Jhong ang hip-hop artist na bumisita sa It’s Showtime.
Umani ng paghanga mula sa manonood sina Jhong at Zeus nang humataw sa It’s Showtime dance floor at ipakita ang mas mahirap at mas kumplikadong dance steps ng trending na “Switch It Up”.
Natuwa naman si Vice Ganda na nagsabing gusto niyang magkaroon din sila ni Anne Curtis ng bersyon nila ng “Switch it up”. Hindi naman nagpahuli si Mariel Padilla na niyaya si Amy Perez na sumayaw din nito sa darating na Sabado.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv