Patuloy ang pagbabahagi ng ABS-CBN ng saya, pag-ibig, at mga kwentong pampamilya sa mga manonood dahil kapana-panabik ang mga palabas na ihahandog nito sa taong 2018 na ipinasilip sa naganap na “Just Love: The ABS-CBN Trade Event” noong Martes (Nov 28).
Daan-daang advertisers ang lumahok at nakisaya sa trade event sa ABS-CBN Vertis Tent na dinaluhan din ng pinakamalalaking bituin ng Kapamilya network.
Lubos na pinalakpakan ang performances ng It’s Showtime family sa kanilang 80s-inspired dance production.