• MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
  • MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
#WhoGoat lines ni Madame Bertud para sa misis na nagdududa

Sa isa na namang edisyon ng AdVICE GANDA, isang madlang pipol na nagngangalang Betty Jo ang humingi ng tulong kay Madame Bertud.

Pinoproblema niya ang kanyang asawa na tuwing lumalabas ng bahay ay hindi magawang magtext sa kanya. Sigurado rin naman siyang full charge ang cellphone nito sapagkat siya mismo ang nagchacharge. Ito ang nagiging mitsa ng kanilang pag-aaway sapagkat pakiramdam niya ay baka nagsisinungaling ito.

Tanong ni Madame Bertud, “Ano ba talaga ang problema, yung hindi niya pagrereply o ang totoong problema ay yung nagdududa ka?” Ani pa nito, kung nagmamalasakit lang naman si Betty ay okay na ito pagkauwi ng asawa niya ngunit nagagalit pa rin si Betty sapagkat nagdududa ito. “Kasi lagi nating sinasabi ang may problema yung ibang tao pero isipin natin baka tayo may problema din,” sabi ni Madame Bertud. Ani naman ni Betty ay hindi niya rin alam kung may ginagawang hindi kaaya-aya ang kanyang mister. “Wag kang gumawa ng problemang wala pa. Wag mong unahan,” advice ni Madame Bertud.   

Kwento naman ng co-host na si Teddy Corpuz ay hindi rin siya palatext sa kanyang misis tuwing may gig siya noong una. Ngunit wala namang hindi nadadaan sa magandang usapan kaya napagkasunduan nila na magtext na sa isa’t isa. Sa huli ay pinayuhan nila si Betty na kausapin ang kanyang asawa tungkol dito para maging maayos ang lahat.