• MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
  • MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
#Whogoat lines 101: Payo sa lalaking binasted at na-friendzone
Isang lalaking madlang pipol ang naglakas loob na ikonsulta ang kanyang pinagdadaan kay Madame Bertud ngayong Huwebes sa AdVICE GANDA. Ani niya, sa sampu niyang niligawan, wala siyang naging girlfriend. Apat dito ay naging kaibigan niya lang.

 Matapos ang mahaba-habang biruan, pinayuhan na siya ni Madame Bertud. “Alam mo kuya, magpasalamat ka nga binasted ka kaysa naman sinagot ka nga, winalangya ka naman. Kasi di ba yung iba, maraming ganyan, sinagot pero sinaktan. At least ikaw, tinapat simula pa lang. Magpasalamat ka nga nung binasted ka, kinaibigan ka pa. Yung iba nga, bago binasted pinilit munang sumali sa networking. Ang sakit sakit sa dibdib,” paghugot nito.

Humirit naman ng mga pick-up lines si Madame Bertud, “Kung talagang naghahanap ka ng solusyon sa mga problema mo, pumunta ka sa pinakamalapit na branch ng BDO, dahil sabi sa BDO, we find ways. At kung talagang gusto mong sagutin ka ng nililigawan mo, ang ligawan mo ay si McDonalds, sigurado pag tinanong mo siya, ang isasagot niya sa’yo, pap parap papa, love ko to. Kaya kuya, wag kang mawalan ng pag-asa… Tandaan mo, hangga’t nagbabayad ka sa Meralco, may liwanag ang buhay.”

Keep on watching, It’s Showtime, weekdays at 12:30 PM and on Saturdays at 12 NN on ABS-CBN.          

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv