• MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
  • MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
#Whogoat lines 101: Paano nga ba kung ang ex mo ay gusto kang balikan?
Nagbabalik muli si Vice Ganda bilang Madame Bertud na nagbibigay ng mga love advices at #whogoat lines sa mga madlang pipol.

Unang nagtanong sa kanya ay ang It’s Showtime dancer na si Mary. Tanong nito, “Paano po kung biglang pumunta yung ex-boyfriend ko sa amin tapos dinalhan niya ko ng bulaklak, ano pong gagawin ko? Sa tingin niyo po ba, dapat ko pa ba siyang balikan ulit?”

“Yung ex-boyfriend mo, nagpunta sa bahay niyo, may dalang bulaklak; ang tanong mo babalikan mo pa siya? Ang sagot ko, unang una, wag kang assumera. Nagdala lang ng bulaklak, nakipagbalikan na? Hindi lahat ng ex na nagdadala ng bulaklak ay nakikipagbalikan. Baka akala niya namatayan ka lang…” ani ni Madame Bertud. Sabi pa niya, hindi lahat ng ex na may dalang bulaklak ay totoong nakikipagbalikan dahil, “Baka yung iba nakikiramay lang dahil alam nilang isa kang babaeng luhaan.”

Tanong muli ni Mary, “Kung hindi naman pala niya ako babalikan, bakit pa siya pumunta sa amin?”

Sinagot naman ito ni Madame Bertud, “Baka kaya ka niya pinuntahan, may gusto lang siyang malaman. Gusto niyang malaman kung bakit sa dinami-dami ng babae, ikaw pa ang kanyang pinatulan.” Pinayuhan siya ni Madame Bertud na wag masyadong maghusga at mag-expect, “Ang payo ko sa’yo, wag kang mag-expect dahil sabi na nga nila, ‘too much expectations lead to hallucinations.’ Sa madaling salita, wag kang assumera para wag kang ngumanga. Kumain ka na lang ng hopia, mabubusog ka pa.”

Isa pang dancer na kumunsulta ng payo ay si Dianne. Ani niya, gustong makipagbalikan ng ex niya sa kanya at sinabihan pa ito na hindi niya kaya na mawala siya sa buhay niya.

Ang sagot ni Madame Bertud? “Wala naman masama sa pakikipagbalikan lalo na kung meron pang natitirang damdamin at pagmamahalan. Siguraduhin mo lamang na ang nakikipagbalikan sa’yo ay sinsero at dapat maging mas matalino ka. Marami kasing iba diyan, ginagago na, kinikilig pa.” Dagdag na payo niya, “Sabi nga nila, lahat ng tao ay may pagkakataong magkamali at maging tanga. Ngunit, hindi porke’t libre, aaraw-arawin mo na.”

Tinanong ni Madame Bertud kung bakit ba gusto rin ni Dianne na makipagbalikan sa kanyang ex-boyfriend. Sagot ni Dianne, “Kasi gwapo, makinis saka maputi.” Biniro naman siya ni Madame Bertud ng, “Kung gusto mo siyang balikan dahil makinis at maputi, it’s not love, it’s Dove.”

Keep on watching, It’s Showtime, weekdays at 12:30 PM and on Saturdays at 12 NN.