• MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
  • MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
Vice, patuloy ang pamimigay ng payo at good vibes sa “It’s Showtime”
Itinotodo na ni Vice Ganda ang pagpapasaya sa madlang people sa pamamagitan ng pagbibigay-katuparan sa hiling nila sa kanyang segment na “Advice Ganda” sa “It’s Showtime.”

Bukod sa pagbibigay ng makabuluhang payo sa mga taong may pinagdadaanan, misyon din ni Vice na magpalaganap ng good vibes sa naturang segment.

Sa katunayan, naging tulay ang “Advice Ganda” para makilala ni Melody ang kanyang idolo, ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Nang makakwentuhan ni Melody at Vice si Kris sa pamamagitan ng telepono ay bigla nitong inimbitihan ni Kris na puntahan siya sa taping. Bukod pa rito, binigyan rin ni Vice si Melody ng panghanda para sa birthday ng apo nito.

Isa lamang ang “Advice Ganda” sa segments ng “It’s Showtime” kung saan binibigyang pagkakataon ang madlang people na magpasaya at maging masaya.

Pagpapasikat naman ang naging sentro ng kasiyahan sa “It’s Showtime” noong Sabado (Agosto 22) kung saan itinanghal na “Sample Queen” si Queenie Velarde, isang 23 anyos na dancer mula General Santos City.

Pinabilib ni Queenie ang madlang people at mga hurado sa kanyang pagpapakitang gilas sa pagsasayaw, pagra-rap, at maging pagtugtog ng gitara at drums sa kanyang performance. Bilang grand winner, nagwagi si Queenie ng P300,000.

Makisaya sa buong barkada ng “It’s Showtime,” 12:15PM mula Lunes hanggang Biyernes at 12NN tuwing Sabado sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter, @ItsShowtimeOfficial_IG sa Instagram, o i-like ang www.facebook.com/itsShowtimena.