• MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
  • MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
Vice Ganda of Davao City wins Kalokalike Face 3
Itinanghal na Ultimate Kalokalike si Daniel Aliermo, ang Vice Ganda ng Davao City sa grand finals ng Kalokalike Face 3 ngayong Sabado sa It’s Showtime. Siya’y nag-uwi ng P300,000.00 at ang special award na “Trending Award.”

Samantala, itinanghal naman ang kalokalike ni Katy Perry ng Lapu-Lapu, Cebu na 1st runner-up, at nag-uwi ng P200,000.00. 2nd runner-up ang kalokalike ni Bruce Lee mula sa Camarines Norte na nanalo naman ng P100,000.00
 
Winner naman ng special award ang kalokalike ni Cesar Montano mula sa Novaliches, Quezon City ng “Picture Frame award” at ang kalokalike ni Gloc 9 mula sa Rodriguez, Rizal ng “Kumarir Award.”

Ang iba pang mga grand finalists na sumabak ngayon ay ang mga kalokalike nina Mariah Carey,

Gerald Anderson, Daniel Padilla, Rene Requiestas, Dagul, Abra, Charice, Sarah Geronimo at Ogie Diaz.

Sina Jolina Magdangal, Willy Nepomuceno, Dimples Romana at Jhong Hilario ang mga nag-hurado sa araw na ito.

Keep on watching, It’s Showtime, weekdays at 12:30 PM and on Saturdays at 12 NN.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv