• MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
  • MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
Vice Ganda nabuhayan ng loob bilang Katoliko sa pagdating ni Pope Francis
Ngayong araw, Enero 15, ang dating ni Pope Francis sa bansa kung kaya naman ito ang naging topic ng mga hosts ng “Showtime” sa pagbubukas ng programa.

Ani ni Vice Ganda, may magic talaga ang pagdating ng Santo Papa sa bansa at nagkwento ng kanyang pinost sa kanyang Twitter account, “Sabi ko, habang papalapit ng papalapit ang pagdating dito ng Papa, parang lalong pag-igting ng pag-igting at saka yung painit ng painit yung pakiramdam ko bilang isang Katoliko. Parang nabuhay yung pagiging Katoliko natin…”

Inamin rin nito na medyo naging matamlay ito sa pananampalataya ngunti naeengganyo na ulit magsimba dahil dito, “Ako mismo aminado ako na unting-unting parang tumamlay yung pagiging Katoliko ko dahil sa maraming issues. Pero dahil sa pagpunta niya rito, parang binuhay niya ulit yung pagiging Katoliko sa dugo at sa puso ko. Kaya, maraming salamat sa pagbisita niya rito. Parang mas nakakaengganyong bumalik sa simbahan.”

“I think yan din ang isa sa mga purpose niya, to excite people, to start believing in Christ again,” pagsusuporta naman ng co-host na si Anne Curtis at tinawag na instrumento ng Diyos ang Santo Papa.

Ani naman ni Vice, maski ang mga Christians na sina Gary Valenciano at Piolo Pascual ay sumusuporta rin sa pagdating ni Pope Francis ayon sa napanood niya sa isang interview. “Isang dahilan ito na nagkaisa-isa na naman ang mga Pilipino. Iba iba ang lahi, iba iba ang paniniwala, di ba? Pero iisa lang lahat tayo eh inaanticipate at excited tayo sa pagdating ng Santo Papa. Nagkakaisa na naman ang Pilipinas. Maraming, maraming salamat.”

Keep on watching, It’s Showtime, weekdays at 12:30 PM and on Saturdays at 12 NN.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv