• MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
  • MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
Spyros, tinanghal na kauna-unahang grand champion ng “Pinasikat”
Hinirang na grand champion ng Pinasikat Grand Finals ang duo na “Spyros” ng Sta. Rosa, Nueva Ecija ngayong araw, Enero 24 sa Ynares, Antipolo City.

Nakakuha ang yoyo tricks nila ng standing ovation at perfect 10 mula sa 20 na hurados ngayong araw. Sila’y mag-uuwi ng isang milyong piso at brand new house and lot mula sa Camella bilang premyo.

Nakalaban nila ang 15 pang grand finalists na sina AD Beat at Amokk: The Fire Assassin ng Calamba City, Laguna; Trumpo Maskter ng Dasmarinas, Cavite City; Rhufa’s Army

at Urban Crew ng Las Pinas City; Marlou M ng Majayjay, Laguna; Wushu Discovery ng Proj. 6, Quezon City; D’Spinner ng Tanza, Cavite; D’Kings ng Tiaong, Quezon Province;

Pole Empress ng San Juan Del Monte, Bulacan; Phoenix ng San Carlos City, Negros Occidental; The Wedding Singer ng Cainta, Rizal; Asian Pride ng Mandaluyong City; J-Crisis ng Sampaloc Manila; at Flairmonster ng Brgy. Handumanan, Bacolod City.

Ang mga nag-hurado sa araw na ito ay sina Zsa Zsa Padilla, Abra, Jhong Hilario, Iza Calzado, Gino Padilla, Epi Quizon, Nikki Valdez, Pooh, Myrtle Sarrosa, Arjo Atayde, Bayani Agbayani, Precious Lara Quigaman, Assunta de Rossi, Bangs Garcia, Jimmy Bondoc, Dominic Ochoa, Meg Imperial, Aron Villaflor, Sunshine Cruz at Matt Evans.

Keep on watching, It’s Showtime, weekdays at 12:30 PM and on Saturdays at 12 NN.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv