• MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
  • MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
MJ Lastimosa nakisaya sa Madlang Pipol sa Sine Mo To
Naaliw ang mga madlang pipol nang sumali si Binibining Pilipinas Miss Universe 2014 Mary Jean Lastimosa sa Sine Mo ‘To segment ng It’s Showtime ngayong Miyerkules.

Inanyayahan ni MJ, na nagpakita ng kanyang signature catwalk at umarte, ang mga madlang pipol na manood ng Maalala Mo Kaya itong darating na Sabado pagkatapos ng Home Sweetie Home.

Si MJ mismo ang gaganap sa kwento na kanyang buhay. Ani niya, ito ang kanyang first acting experience. Sabi pa nito ay siguradong maiiyak daw ang mga manonood sa kwentong ito.

Bukod sa MMK, isa rin sa mga Lucky Stars si MJ sa game show na, Deal or No Deal ngayong buwan ng Abril.

Keep on watching, It’s Showtime, weekdays at 12:30 PM and on Saturdays at 12 NN on ABS-CBN.