• MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
  • MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
Mark Michael, wagi bilang Tawag ng Tanghalan Grand Resbak champion

Matapos ang higit isang buwan ng labanan, nanaig sa palakasan ng kantahan at itinanghal na grand resbak champion ang R&B charmer na si Mark Michael Garcia sa huling tapatan ng Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak sa It’s Showtime noong Sabado (Disyembre 21).

WATCH: Mark Michael Garcia, itinanghal bilang TNT All Star Grand Resbak Champion

Nakakuha si Mark Michael ng total combined average score na 54.24% mula sa pinagsamang public votes at hurado scores at tinalo si Jex de Castro na nakakuha ng 45.76%.

Bilang grand champion, panalo si Mark Michael ng Php300,000 (tax free), business franchise, recording contract mula sa TNT Records, management contract mula sa ABS-CBN, at isang tropeo na nilikha ng renowned Filipino visual artist na si Toym Imao.

Sa huling tapatan, nakakuha ng standing ovation si Mark Michael mula sa mga hurado at madlang people matapos niyang mag-perform ng medley ng Chicago hits na “You’re the Inspiration,” “Hard to Say I’m Sorry,” at “Glory of Love.”

WATCH: Mark Michael Garcia receives standing ovation from TNT Hurados and madlang people 

Isang Year 3 grand finalist at Year 2 semifinalist, nanaig si Mark Michael sa Grand Resbak edition, kung saan muling nagsalpukan ang iba't ibang contenders mula sa tatlong taon ng kumpetisyon.

Samantala, malaking pasabog din ang hatid ng TNT sa bagong taon dahil sisimulan na nito ang ikaapat nitong taon sa It’s Showtime ngayong Enero.

Panoorin ang It’s Showtime mula Lunes hanggang Sabado ng tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167).