• MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
  • MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
Sinong "Funny One" Komikero ang magpapatuloy sa pagpapatawa?
Muli na namang malalagasan ang komikeros na patuloy na nagpapakitang gilas sa “It’s Showtime” ngayong Sabado (Hulyo 18) sa isa na namang edisyon ng “Funny One More Chance.”

Sinong dalawa kaya ang magpapaalam? Sino ang komikero na magpapatuloy pa sa pagpapatawa?

Ngayong linggo, wagi na sa kumpetisyon ang trio nina Steven, Sadam, at Bangkay na binubuo ang No Direction, pati na ang crowd favorite na si Gibis Alejandrino.

Sa kauna-unahang pagkakataon naman ay sasabak si TJ Valderama sa “Funny One More Chance” sa Sabado, kung saan makakasama niya ang mag-amang Crazy Duo at ang hindi papalaring manalo sa labanan nina Iskobi Duo at Ryan Rems Sarita sa Biyernes.

Mas kakagatin kaya ng madlang hurado ang hindi mapapantayang energy ng Iskobi Duo, o ang kalmadong pagpapatawa ni Ryan Rems Sarita?

Sikat na sikat na nga lalo na sa social media si Ryan Rems para sa kanyang punchline na “rock and roll to the world” na talaga namang pumatok sa masa.

Samantala, hindi lang sa TV mapapanood ang nakakatawang performances ng komikeros. Maaari itong mapanood ng kani-kanilang fans sa showpage ng segment na funnyone.abs-cbn.com.

Bukod sa performances, matatagpuan din sa showpa
ge ang videos na mismong ang mga komikero tampok ang kanilang jokes at minsa’y personal na pasilip sa kanilang karanasan sa kumpetisyon.

Makisaya sa “Funny One,” ang pinakamalaking comedy search ng “It’s Showtime,” 12:15PM mula Lunes hanggang Biyernes at 12NN tuwing Sabado sa ABS-CBN. Para sa updates ng segment, bisitahin ang funnyone.abs-cbn.com, sundan ang @funnyoneph sa Twitter at Instagram, o i-like ang www.facebook.com/FunnyOnePH.