• MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
  • MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
Erik Santos, highlight ng kanyang career ang pag-awit sa Papal Mass sa Luneta
Inawit ng singer na si Erik Santos ang kantang, “Lord, I Offer My Life” sa It’s Showtime ngayong Lunes, Enero 19. Ang bersyon niya ng kantang ito ay kasama sa album na “We Are All God’s Children.”

Si Erik rin ang kumanta ng Responsorial Psalm sa Papal Mass ni Pope Francis na ginanap kahapon sa Luneta, Enero 18. Kaninang umaga bumalik na ang Santo Papa sa Roma.


Kinamusta ng mga hosts ang kanyang karanasan na ito. Ayon kay Erik, sobrang overwhelmed at feeling super blessed siya. Ani pa, ito ang pinakahighlight ng kanyang karir ever, na kumanta siya para sa Diyos at para sa mga tao.


Ayon naman sa host na si Kim Atienza, maski ang internationalnews channel na CNN ay humanga sa dami ng mga Pilipinong nakibahagi sa Papal Mass. Pinuri rin ng mga hosts ang “waterproof” faith ng mga Pinoy maski umulan maghapon kahapon. Pinuri nila ang pagkakaisa ng mga Pilipino.

Keep on watching, It’s Showtime, weekdays at 12:30 PM and on Saturdays at 12 NN on ABS-CBN.      


If you are in the Philippines, watch the FULL episodeon www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch theFULL episode on www.tfc.tv