• MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
  • MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
Alamin ang mga trivia ukol kina Anne Curtis at Vhong Navarro
Kung noong nakaraang Huwebes ay tatlong Vice Ganda ang lumahok sa Kalokalike Face 3, dalawang Anne Curtis at isang Vhong Navarro naman ang nagpasikat ngayong araw, Pebrero 5.


Ginaya ni Criselda Galit ng Lao-Ang, Northern Samar ang pag-arte ng Showtime host sa pelikulang, No Other Woman at ang kanyang pagkanta ng “Alone.” Samantala, ginaya naman ni Steve Ryan Domingo ng Brgy. Cembo, Makati City ang concert look ni Anne at kumanta ng “Diamonds.” Kasabay nito ay nagbigay din ng trivia si Kim Atienza ukol kay Anne Curtis. Napag-alaman na paborito niyang pagkain ang patatas samantalang ayaw naman niyang kumain o makaamoy ng bagoong.


Sa kabilang banda, ginaya naman ng kalokalike ni Vhong Navarro na si Jude Sabayan ng Bayambang, Pangasinan ang pagsayaw ng host sa programa. Ayon kay Kuya Kim, pinakapartikular daw sa amoy si Vhong sa lahat ng hosts na kapag pumasok ka sa banyong pinanggalingan niya ay makakaamoy ka ng scented candle.

Sa huli, nakakuha ng tatlong kalokalike votes mula sa mga hurado si Steve Ryan Domingo, ang Anne Curtis ng Brgy. Cembo, Makati City.


Keep on watching, It’s Showtime, weekdays at 12:30 PM and on Saturdays at 12 NN on ABS-CBN.           

 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.t