• MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
  • MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
Robin nagbigay ng tips sa panliligaw kay Tommy sa "It's Showtime"
Sinorpresa ni Robin Padilla ang madlang people at nagbigay ng ilang tips sa panliligaw kay Tommy Esguerra sa “It’s Showtime” noong Miyerkules (Dec 9).

Ibinahagi niya ang kanyang styles sa pakikipagusap at panunuyo sa mga babae na agad din namang sinubukan ni Tommy sa kanyang nililigawang si Miho Nishida. Bukod sa madlang people, sinorpresa din ni Robin ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez na kasalukuyang guest co-host ng noontime show.

Balik Kapamilya na si Robin sa kanyang pagpirma ng two-year contract kamakailan sa ABS-CBN at nakatakdang gumawa ng isang family-oriented series.

Huwag palampasin ang masasayang kaganapan sa “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado ng tanghali sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang “It’s Showtime” sa Facebook at Twitter (@ItsShowtimena).