• MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
  • MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
Bagong pakulo ng "It's Showtime" na "Hulanino", patok sa madlang people
Inilunsad kamakailan ng “It’s Showtime” ang bago at nakakaaliw nitong segment na “Hulanino” kung saan pahuhulaan ng hosts ang titulo ng isang pelikula gamit lang ang kanilang mga anino.

Patok na patok sa manonood lalo na sa madlang people sa studio audience ang naging pakulo dahil sa oras na hindi mahulaan ang tamang sagot ay sila naman ang may pagkakataong humula at manalo ng cash prize. Bukod sa “Hulanino,” tuloy-tuloy pa rin ang pa-pogian ng mga tomboy sa semi-finals ng “That’s My Tomboy.”

Ngayong Sabado (Oct 31) na nga papangalanan ang ang pitong nag-gagwapuhang kalahok na didiretso na sa grand finals. Huwag palampasin ang masasayang kaganapan sa pagpapatuloy ng month-long ANIMversary ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado ng tanghali sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang “It’s Showtime” sa Facebook at Twitter (@ItsShowtimena).