• MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
  • MON - FRI 12 NN - 2:30 PM | SAT 12:00 - 3:00 PM
"It's Showtime" nanawagan sa madlang people: "Show The Love" sa nasalanta ni Lando
Inilunsad sa “It’s Showtime” noong Miyerkules (Oct 21) ang bagong kampanya ng ABS-CBN na “Show the Love” na naglalayong makalikom ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Lando.

Hango sa tradisyon ng “It’s Showtime,” magpapasikat ang iba't ibang Kapamilya stars sa iba’t-ibang lugar at mangongolekta ng anumang halaga na ilalagay sa mga coin bottles. Nauna nang nagpasikat ang hosts ng Kapamilya noontime show noong Martes (Oct 20) ng gabi na nag-alay ng awitin sa mga manonood sa Historia Bar sa Quezon City.

“Simula pa lang yan dahil hindi lang po “It’s Showtime” ang magpapasikat for a cause. Kaisa namin ang lahat ng Kapamilya stars in showing our love for our Kapamilyas na sinalanta ng bagyong Lando,” sabi ng “It’s Showtime” host na si Billy Crawford.

Nagdulot ng matinding pagbaha ang bagyong Lando na ikinasira ng maraming kabuhayan sa Gitna at Hilagang Luzon. Ayon sa report ng ABS-CBNnews.com, humigit-kumulang 412,000 na tonelada ng pananim ang napinsala at 107,000 na tao ang naapektuhan ng bagyo. Kasalukuyan ring lubog pa sa baha ang mga apektadong bayan at nangangailangan ng pag-rescue mula sa mga otoridad.

“Ang mga donasyong malilikom sa “Show the Love” campaign ay ipauubaya sa Sagip Kapamilya upang magamit para sa relief operations at rehabilitasyon ng mga bayang napinsala. Bagong pag-asa at isang masayang kapaskuhan ang maibibigay ng kahit na anumang halaga na maibabahagi ng mga tao para sa muling pagsisimula ng mga taga Gitna at Hilagang Luzon,” sabi ng “It’s Showtime” host na si Karylle.

At noong Miyerkules, sabay pa rin sa “Show the Love” campaign ay lumibot sa ABS-CBN ang ilan sa mga former “PBB” housemates na sina Joshua Garcia, Loisa Andalio, Fourth and Fifth Solomon, Kenzo Gutierrez, at Kamille Filoteo upang humingi ng boluntaryong donasyon mula sa mga employadong nais makibahagi sa pagtulong sa mga kababayang ngayon ay nasa mahirap pa ring sitwasyon.

Nagbigay din ng announcement ang “It’s Showtime” hosts para sa mga nais magpadala ng tulong gaya ng bigas, noodles, at de lata na maaaring ipadala ang mga ito sa Sagip Kapamilya office sa #13 Examiner St. West Triangle, Quezon City mula 8am hanggang 8pm. Para din sa karagdagang detalye, maaring tumawag sa Sagip Kapamilya hotlines: 411-4995/412-1459.

Samantala, patuloy pa rin ang “It’s Showtime” sa pagbibigay serbisyo para sa mga taong nasalanta ng bagyo. Ilang news updates ang ine-ere ng palabas upang makapagbigay alam sa mga manonood kung ano na ang kasalukuyang kalagayan at kung anong tulong ang kailangan ng mga taong napinsala sa Gitna at Hilagang Luzon. Ngayon nga ay patuloy nang lumalayo ang bagyong Lando sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at kasalukuyan na lamang isang tropical depression. Inaasahang sa Linggo (Oct 25) ay tulayan nang nakaalis sa PAR si Tropical Depression Lando.

Hindi mapipigilan ng kahit anong sakuna ang saya at good vibes na dala ng month-long ANIMversary ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado ng tanghali. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang “It’s Showtime” sa Facebook at Twitter (@ItsShowtimena).