• EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
  • EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
Donny, tumestigo laban sa holdaper sa “Ipaglaban Mo”


Paninindigan ni Philip (Donny Pangilinan) ang tungkulinng labanan ang ilang holdaper na bumiktima sa kanya at ilang sibilyan ngayong Sabado (Mayo 25) sa “Ipaglaban Mo.”


Dahil sa isang hindi pagkakaunawaan nila ng kanyang ina na si Melba (Ana Abad Santos), aalis si Philip sa bahay at maiipit sa isang holdapan sa jeep. Maiisip nitong manlaban at ipagtanggol ang sarili at ang mga kasakay laban sa mga holdaper na sina Ton (Julian Trono), isang binatang ama na gipit sa buhay, at ang promotor ng krimen na si Temyong (Benk Manalo) na lulong sa masamang bisyo.


Maiipit din sa holdapan ang magkapatid na sina Eva (Malou Canzana), isang striktang ina at nakababatang kapatid na si Clara (Riva Quenery). Makakasabay nila si Philip sa jeep sa paghahanap sa naglayas na pamangking si June (Jomari Angeles).


Sa takot sa kaguluhang naganap, tatalon si Eva sa jeep na ikagagalit ng mga holdaper. Dahil dito ay ititulak nila palabas si Clara, at matagumpay nilang mananakawan ang mga pasahero ng jeep, pati na ang kawawang driver.


Makatulong kaya ang pagtestigo ni Philip laban sa mga kawatan? Ano na ang mangyayari sa pamilya ni Eva ngayong napahamak siya?


Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang nag-iisang legal drama sa bansa, ang mga kwentong base sa totoong buhay na maaring kapulutan ng aral at kaalaman ng mga manonood tuwing Sabado. Bukod sa pagpapalabas nito ng makatotohanang episodes, nagbibigay din ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.


Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo” tuwing Sabado, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN