Tampok si Ryza Cenon bilang ang biyudang si Annie na mamaltratuhin ng among si Jenny Miller (Shiela) ngayong Sabado (Hunyo 8) sa “Ipaglaban Mo.”
Ulirang ina ang biyudang si Annie na napilitang mamasukan bilang labandera sa staff house ng pabrika ni Shiela para matustusan ang pangangailangan nila ng anak na si Princess (Xia Vigor). Marami itong magiging manliligaw dahil sa angking ganda, subalit walang papansinin maliban sa Engineer na si Rogelio (Geoff Eigenmann) na masugid na aalalay sakanya.
Maaksidente si Annie na dahilan upang hindi ito makapagtrabaho at hihingi ito ng danyos sa pinamamasukan. Mamaliitin ni Shiela ang pangyayari at sasabihin na wala itong habol na kompensasyon at benepisyong maasahan dahil hindi ito regular na empleyado ng kompanya. Ilalaban ni Annie ang pangyayari kasama si Rogelio na nagmamalasakit sakanya ng tunay.
May habol kaya sa korte ang kaso ni Annie kahit na hindi ito kinikilalang regular na empleyado? Ano ang mga karapatan ng mga tulad ni Annie na pinagmamaltratuhan sa trabaho dahil walang sapat na dokumento?
Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang nag-iisang legal drama sa bansa, ang mga kwentong base sa totoong buhay na maaring kapulutan ng aral at kaalaman ng mga manonood tuwing Sabado. Bukod sa pagpapalabas nito ng makatotohanang episodes, nagbibigay din ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.
Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo” tuwing Sabado, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.