• EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
  • EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
Marco gaganap na Obsessed Lover ni Michelle sa "Ipaglaban Mo"

Paano kapag nauwi sa trahedya ang dapat sana ay magandang pagsasama?

Iyan ang sasagutin nina Atty. Jose at Jopet Sison sa kanilang pagtalakay sa isang crime of passion ngayong Sabado (Aug 22) sa hit legal drama ng ABS-CBN na “Ipaglaban Mo.”

Nagkakilala sa isang boarding house sina Martin (Marco Gumabao) at Cherry (Michelle Vito) at agad nagkasundo ang dalawa. Halos di sila mapaghiwalay sa sobrang pagiging malapit sa isa’t isa. Sa kabila nito, nananatiling kaibigan lang ang turing ni Cherry kay Martin.

Isang araw at hinatid si Cherry ng kaklase at pagkakita rito ni Martin ay agad niya itong pinagtabuyan. Dito binantaan ng binata ang dalaga na papatayin niya ito kapag nagpaligaw ito sa iba.

Dala ng takot sa kanyang inasal kung kaya’t nagpasya si Cherry na layuan si Martin. Lalo itong ikinagalit ni Martin na siyang mag-uudyok dito na gawin ang karumal dumal na krimen.

Ano ang magiging depensa ni Martin sa pagkakasala? Anong sentensya ang naghihintay sa kanya?

Sa loob ng isang taon, mas pinalawig ng programang “Ipaglaban Mo” ang kaalamang legal ng mga manonood at mas iminulat ang mga ito sa kanilang mga karapatan at pananagutan sa batas. Sa pangunguna ng hosts na sina Atty. Jose at Jopet Sison, nakapagpaabot din ng free legal consultation sa publiko sa pakikipagtulungan sa Tulong Center ng ABS-CBN.

Pakatutukan ang “Ipaglaban Mo” episode na “Pinaasa Mo Ako” ngayong Sabado (Aug 22) sa direksyon ni Ludwig Peralta pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang mga social media account nito na www.Twitter.com/IpaglabanMoCh2, www.Instagram.com/IpaglabanmoABSCBN, at www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Ipaglaban Mo” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.