• EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
  • EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
Mag-asawang Marco at Lara magtatambal sa "Ipaglaban Mo"
Magsasama sa unang pagkakataon sa telebisyon ang mag-asawang Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman ngayong Sabado (Feb 28) sa legal drama na “Ipaglaban Mo” kung saan tatalakayin ang kaso ng marital rape.
Bibigyang buhay nila ang kwento nina Stella at Jimmy, mag-asawang sa loob ng 20 taon ay masayang nagsasama at sexually intimate sa isa't isa.



Magbabago ang lahat nang magsimulang maging bayolente si Jimmy sa tuwing siya ay gustong makipagtalik kay Stella.



Isang gabi, pinili ni Stella na  huwag tabihan ang asawa dala ng takot. Nagalit si Jimmy at dito pinilit ang sarili kay Stella sa kabila ng pagmamakaawa nito.



Muling naulit ang pamumuwersa ni Jimmy sumunod naman ay sa harap mismo ng kanilang anak na babae. Dito na pumalag si Stella at nagsampa ng kasong panggagahasa laban sa asawa.
Sino ang papanigan ng korte? May obligasyon nga ba si Stella na ibigay ang sekswal na pangangailangan ni Jimmy bilang asawa nito?





Tampok din sa episode na ito ang “PBB All In” 2nd Big Placer na si Maris Racal.

Tunghayan ang episode ng “Ipaglaban Mo” na pinamagatang “Inabusong Karapatan,” sa direksyon ni Jillmer Dy, ngayong Sabado (Feb 28) pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang mga social media account nito na www.Twitter.com/IpaglabanMoCh2, www.Instagram.com/IpaglabanmoABSCBN, at www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.