• EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
  • EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
Karapatan ng ikatlong asawa, lilinawin sa "Ipaglaban Mo"
Sa pagpanaw ng kinakasama, ano ang karapatan ng pangatlong asawa?

Iyan ang kasong tampok ngayong Sabado (Apr 25) sa hit afternoon legal drama na “Ipaglaban Mo.”

Maagang ikinasal si Anton (Allen Dizon). Ngunit dahil hindi naging maganda ang pagsasama nila ng kanyang asawa, iniwan ito ni Anton. Makalipas ang ilang mga taon, nakilala ni Anton si Gemma (Andrea Del Rosario), nagsama sa Japan, at nagkaroon ng isang anak. Kahit hindi pa annulled ang kasal ni Anton sa unang asawa, nagpakasal sa Japan sina Anton at Gemma. Ngunit sa palagiang hindi pagkakasunduan, nauwi rin sa hiwalayan ang dalawa.

Pagbalik sa Pilipinas, nakilala ni Anton si Norie (Yam Concepcion), isang single mother, at sila'y nagkaibigan. Nagsama silang dalawa kasama ang anak ni Norie bilang isang pamilya. Hindi man sila kasal, sapat na ang pagmamahal nila sa isa't isa para sabihing sila'y mag-asawa. Gamit ang kanilang joint funds, nakabili sila ng bahay at lupa na nasa pangalan ni Anton. Di nagtagal, nilipat ni Anton sa pangalan ni Norie ang titulo ng bahay at lupa, sinasabing ipinagbili ito ni Anton kay Norie. Sa dokumento, nakasaad na single diumano si Anton nang maganap ang bentahan ng bahay at lupa.

Biglaang namatay si Anton at sa kanyang pagpanaw ay ang pagbabalik ng ikalawang asawa na si Gemma. Hindi lang pagluluksa ang pakay niya dahil nagsampa rin siya ng kaso laban kay Norie sa paglilipat ng titulo ng bahay at lupa sa kanya. Ilegal diumano ang bentahan dahil wala siyang pahintulot bilang legal na asawa ni Anton nang maganap ito.

Sino ang papanigan ng korte? Hanggang saan lalaban si Norie para sa lalaking hindi niya katuwang sa mata ng batas?

Pakatutukan sa “Ipaglaban Mo” episode na “Hanggang sa Huli,” sa direksyon ni Raymund Ocampo, ngayong Sabado (Apr 25) pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang mga social media account nito na www.Twitter.com/IpaglabanMoCh2, www.Instagram.com/IpaglabanmoABSCBN, at www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Ipaglaban Mo” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.