• EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
  • EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
Juan Karlos, sasabak muli sa heavy drama sa "Ipaglaban Mo"
Matapos ang una at madamdaming pagganap sa kanyang mismong buhay sa "MMK," muling sasabak sa matinding aktingan ang "The Voice Kids" grand finalist na si Juan Karlos "JK" Labajo ngayong Sabado (May 16) sa hit legal drama na "Ipaglaban Mo."

Gagampanan ni JK ang papel ni Nico, isang binatilyong malalagay sa peligro ang buhay ng mga kaklase dahil sa kapabayaan.

Papunta sa isang field trip si Nico at kanyang mga kasamahan sa eskwela nang maisipan niyang imaneho ang sinaksakyan nilang school service na jeep. Hindi naman nagdalawang isip ang tsuper na payagan si Nico dahil minsan na nila itong ginawa.

Sa kasamaang palad, naaksidente sila na kumitil sa buhay ng isa niyang kasama.



Dahil sa galit, magsasampa ng kaso ang magulang ng nasawing bata at sisingilin ang ama ni Nico para magbayad sa kasalanang nagawa ng menor de edad niyang anak.

Lahat ba ng pagkakasala ng anak ay pananagutan ng magulang?

Pakatutukan ang “Ipaglaban Mo” episode na “Sa Dulo ng Daan,” sa direksyon ni Garry Fernando, ngayong Sabado (May 16) pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang mga social media account nito na www.Twitter.com/IpaglabanMoCh2, www.Instagram.com/IpaglabanmoABSCBN, at www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Ipaglaban Mo” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.