• EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
  • EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
 Jason, kinidnap ang sariling anak sa "Ipaglaban Mo"
Sundalong nang-kidnap ng sariling anak mula sa mga biyenan ang karakter na gagampanan ng “Two Wives” leading man na si Jason Abalos (Nelson) ngayong Sabado (Oktubre 25) sa “Ipaglaban Mo.”

Hiwalay na sa asawa si Nelson at nadedestino sa iba’t ibang lugar dahil sa pagsusundalo. Kaya naman nang magpasyang pumunta sa Amerika ang dati niyang asawa ay ipinagkatiwala nito ang kanilang anak sa kanyang mga magulang. Sa pagbabalik Nelson ay madalas ipagdamot ng kanyang mga biyenan ang makita o makasama ang anak niya. Dahil sabik siyang makasama ang anak ay naisipan niyang itakas ito.

Kinalaunan ay nauwi sa demandahan ang agawan ng kustodiya ng bata. Sino sa pagitan ng ama at ng lolo’t lola ang kinatigan ng korte at binigyan ng karapatan na magpalaki bata?

Bahagi rin ng episode na ito na pinamagatang “Akin Lang Ang Anak Ko” sa direksyon ni Rechie del Carmen sina Helga Krapf, Marina Benipayo, Ricardo Cepeda, at Macky Billones.

Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo,” ang gabay ng mga Pilipino sa kanilang karapatan at obligasyong legal, ngayong Sabado pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang mga social media account nito na www.Twitter.com/IpaglabanMoCh2, www.Instagram.com/IpaglabanmoABSCBN, at www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.