• EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
  • EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
Apat na magkakapatid, hinalay ng sariling ama sa "Ipaglaban Mo"
Paano kapag nagbunga ang kahalayan ng ama sa kanyang mismong anak?

Hihimayin nina Atty. Jose at Jopet Sison ang maselang kaso ng "incestuous rape" ngayong Sabado (Mar 28) sa hit legal drama na "Ipaglaban Mo."

Sa una ay parang normal at masayang pamilya ang mga Lazada. Matiwasay lang silang namumuhay sa kabukiran. Masipag na nagsasaka ang amang si Arman (Lito Pimentel) habang butihing ina naman si Dolores (Shamaine Buencamino) sa kanyang asawa at mga babaeng anak na sina Lita (Sue Ramirez), Anna (Karen Reyes), Jasmine (Nikki Bagaporo), at Bernadette (Abby Bautista).

Mababasag ang kanilang katahimikan ng malaman nilang buntis si Lita at ang mismong ama na si Arman ang itinuturo nitong dahilan. Dito na lulutang ang pinakatago tagong lihim ng pamilya na sa loob ng maraming taon ay ginagapang at hinahalay ni Arman hindi lang si Lita, pati na rin sina Anna, Jasmine, at Bernadette.

Makamit kaya nila ang katarungan? Ano ang parusang naghihintay kay Arman? Mapatatag kaya ng bangungot na ito ang samahan ng mag-iina o tuluyan nitong masira ang kanilang ugnayan?

Pakatutukan ang “Ipaglaban Mo” episode na “Pagkakasala ng Ama," sa direksyon ni Carlo Po Artillaga, ngayong Sabado (Mar 28) pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.

Para sa updates, sundan ang mga social media account nito na www.Twitter.com/IpaglabanMoCh2, www.Instagram.com/IpaglabanmoABSCBN, at www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Ipaglaban Mo” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.