• EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
  • EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
Anak ng labandera, inangkin ng amo sa “Ipaglaban Mo”

Gaganap si Vina Morales bilang isang inang ninakawan ng anak ng kanyang sariling amo ngayong Sabado (Jan 20) sa “Ipaglaban Mo.”

Kahit hiwalay na sa asawang si Ambo (Christopher Roxas), maayos na binubuhay ni Anita (Vina) ang kanyang apat na anak bilang labandera ng mag-asawang sina Levi (Candy Pangalinan) at Jess.

Dahil sa matagal niyang paninilbihan sa dalawa ay pinapayagan na siya nitong dalhin ang bunsong anak na si Sonny sa kanyang trabaho. Ngunit isang araw ay tinangay na pala ng mag-asawa si Sonny ng hindi niya inaasahan. Mabawi pa kaya ni Anita ang anak sa mag-asawa?

Huwag palampasin ang  “Angkin” sa ilalim ng direksyon ni  Eric Quizon ngayong Sabado (Jan 20), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.