• EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
  • EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
Cristine, bibida sa Ipaglaban Mo "Bitin"

 

Bibida si Cristine Reyes sa kaso ng isang misis na ipapawalang bisa ang kanyang kasal dahil sa kakulangan ng kanyang mister sa sex ngayong Sabado (Mayo 5) sa Ipaglaban Mo.

 

Pangarap ni April (Cristine) na makapangasawa ng foreigner tulad ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan. Kaya naman nang ligawan siya ng Chinese businessman na si Richard (Ahron Villena) ay hindi na niya ito pinakawalan. Wala pang isang taon silang magkasintahan, pumayag na rin siyang matali sa nobyo.

 

Ang pinangarap na masayang pagsasama ni April ay hindi natupad nang sa unang gabi pa lang nilang mag-asawa ay hindi na niya maramdaman ang paglalambing nito sa kanya. Dumaan pa ang ilang buwan, hindi pa rin siya nito yinayayang makipatalik. Lubos na mababahala si April dito at iisiping hindi naman siya mahal nito.

 

Dahil sa pagkapuno sa asawa, pipiliin na niyang magsampa ng annulment para mapawalang bisa ang kanilang kasal.

 

Tanggapin kaya ng korte ang rason ni April? Ano kaya ang naging reaksyon ni Richard sa desisyon ng kanyang asawa?

 

Huwag palampasin ang episode ng Ipaglaban Mo na pinamagatang “Bitin” sa ilalim ng direksyon ni Chiqui Lacsamana ngayong Sabado (Mayo 5), pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.