• EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
  • EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
Michelle, gaganap na isang dalagang gustong magpalit ng pangalan sa Ipaglaban Mo



Gaganap si Michelle Vito bilang isang dalagang gustong palitan ang kanyang pangalan matapos ang unti-unting pagbabago ng kanyang kasarian dahil sa isang hindi pangkaraniwang kondisyon ngayong Sabado (May 19) sa “Ipaglaban Mo.”


Noon pa man ay bargas at matigas na kumilos si Gemma (Michelle). Kapag tinutukso ng iba ay lagi nandyan ang kanyang bestfriend na si Elaine (Karen Reyes) para ipinagtatanggol siya.


Dahan dahan mapapansin ni Gemma ang pagbabago sa kanyang katawan — lalalim ang kanyang boses at titigil rin ang kanyang buwanang dalaw. Sa kanyang pagpunta sa doktor, malalaman niyang mayroon siyang Congenital Adrenal Hyperplasia, isang kondisyon kung saan mayroon siyang katangian ng babae at lalaki dahil sa hormones.


Hindi pa natatapos ang kanyang suliranin nang mapagtanto niyang mahal na niya si Elaine. Dahil sa nangyaring pagbabago, maiisipan ni Gemma na dumulog sa korte upang palitan ang kanyang pangalan.


Sapat na kaya ang kanyang kondisyon para payagan siya ng korteng palitan ang kanyang pangalan?


Huwag palampasin ang episode ng “Ipaglaban Mo” na pinamagatang “Pangalan” sa ilalim ng direksyon ni Tak Barrios ngayong Sabado (Mayo 19), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.