• EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
  • EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
Ryza, pinagsamantalahan ng sariling pinsan sa "Ipaglaban Mo"


Gaganap na isang babaeng pagsasamantalahan ng kanyang sariling pinsan si Ryza Cenon sa kanyang unang pagganap sa “Ipaglaban Mo” ngayong Sabado (Setyembre 22).

26 anyos na si Helena (Ryza) ngunit isip bata pa rin siya dahil ipinanganak siya na mayroong paghihirap sa pag-iisip. Strikto ang kanyang mga magulang dahil sa kanyang kondisyon at hindi siya masyadong pinapayagang lumabas sa takot na kutyain ng ibang tao. Ngunit sa kabila ng kanyang kondisyon ay patuloy nila siyang tinuturuan na mamuhay nang hindi naka-asa sa iba.

Isa sa mga pinagkakatiwalaan ng mga magulang ni Helena na mag-alaga sa kanya ay ang kanyang pinsang si Dindo (Sandino Martin). Sa unang gabing pinayagan ng kanyang mga magulang na lumabas si Helena, mismong si Dindo pa ang magdadala sa pinsan sa kapahamakan. Hahalayin si Helena ni Dindo at ng kaibigan nito.

Paano malalagpasan ni Helena at ng kanyang pamilya ang ginawang pagtatraydor ng kanilang sariling kamag-anak?

Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang longest-running na legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.

Huwag palampasin ang “Dangal,” sa direksyon ni Eduardo Roy Jr., ngayong Sabado (Setyembre 22), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.