• EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
  • EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
Dalaga, mag-isang haharapin ang mga lumapastangan sa kanya sa "Ipaglaban Mo"

Sino ang pakikinggan ng korte, ang nag-iisang testigo na siya ring biktima o ang apat na akusadong pilit na babaluktutin ang mga sinasabi niya? Ito ang matutunghayan ngayong Sabado (Hulyo 7) sa “Ipaglaban Mo.”

Naninilbihan si Kate (Jane de Leon) bilang kasambahay para matustusan ang pagpapagamot ng kanyang ama.

Uuwi siya sa kanilang bayan para alagaan ang kaniyang ama nang atakihin ito ng sakit, ngunit sa pagbalik niya sa siyudad, hindi siya pabababain ng ferry ng apat na pahinante nito dahil kulang ang kanyang pamasahe.

Naisakatuparan ng apat na lalaki ang masamang balak nila sa dalaga nang sunod-sunod nila siyang gahasain.

Nagawa namang tumakas ni Kate at nagsumbong sa mga pulis matapos makabalik sa mga amo.

Hindi magiging madali ang laban para kay Kate dahil siya lamang ang natatanging saksi sa sarili niyang kaso, at mamaliitin pa ng apat na lalaki ang kanyang testimonya.

Naghahandog ang "Ipaglaban Mo," ang longest-running na legal drama sa bansa, ng mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkunan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City. 

Huwag palampasin ang “Bayad,” sa ilalim ng direksyon ni Froy Allan Leonardo, ngayong Sabado (Hulyo 7), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.