• EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
  • EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
Enzo at Marco, hahantong sa patayan ang inggitan sa "Ipaglaban Mo"

Panoorin kung paano umabot sa isang malagim na krimen ang inggitan ng dalawang binatang gagampanan nina Enzo Pineda at Marco Gumabao, ngayong Sabado (Agosto 4) sa “Ipaglaban Mo.”

Walang ibang hinangad si Jim (Enzo) kundi ang sumunod sa yapak ng kanyang amang si Marcelo (Dennis Padilla), isang barangay captain, at pagsilbihan ang kanilang komunidad. Dagdag pa rito ang mapasagot si Aliana (Elisse Joson), ang dalagang napupusuan niya.

Ngunit may kaakibat na panganib ang pagkakagusto ni Jim kay Aliana dahil sa dating nobyo nitong si Larry (Marco). Mainitin ang ulo ni Larry at seloso pa rin pagdating sa dating kasintahan kaya lagi nitong hahamunin si Jim. Aabot ang kaguluhan sa puntong pagbabawalan na ni Kap. Marcelo si Larry na pumunta sa kanilang lugar.
Paano gagantihan ni Larry si Kap. Marcelo at Jim? Kayanin kaya ito ng mag-ama?

Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang longest-running na legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.

Huwag palampasin ang “Ganti,” sa ilalim ng direksyon ni Raymund B. Ocampo, ngayong Sabado (Agosto 4), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.