• EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
  • EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
Yen gaganap bilang OFW na biglang sinibak sa trabaho sa "Ipaglaban Mo"

Pangungunahan ni Yen Santos ang ikaapat na anniversary special ng ABS-CBN hit legal drama na “Ipaglaban Mo” ngayong Sabado (Aug 27) kung saan tampok ang kwento ng isang overseas Filipino worker na biglang sinibak sa trabaho.

Tulad ng maraming Pilipino, nais ni Libay (Yen) na matulungan ang kanyang pamilya. Kaya naman naisipan niyang magtrabaho sa ibang bansa at tumungo sa Hongkong para manilbihan bilang janitress o chambermaid.

Masipag sa trabaho si Libay. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman na ang katrabahong si Precy (Kitkat) ay naiinggit pala sa kanya. Siniraan ni Precy si Libay sa kanilang mga amo kung kaya’t bigla siyang tinanggal ng ito sa serbisyo.

Nagpalaboy laboy si Libay at sa lansangan na lang natulog dahil walang ibang malapitan. Gusto niya ng umuwi ng Pilipinas ngunit wala naman siyang pera para makauwi.

Makahanap kaya si Libay ng tulong? Paano siya makakabalik ng bansa?

Kasalukuyang ipinagdiriwang ng "Ipaglaban Mo" ang ikalawa nitong anibersaryo sa ere. Simula ng ipinalabas ang programa sa ABS-CBN noong 2014, palaging wagi ang programa sa timeslot sa national TV ratings dahil na rin sa napapanahon nitong mga kwento na hindi lang nagbabahagi ng magagandang aral, nagtuturo rin sa mga manonood ng kanilang karapatan bilang mamamayan ng bansa.

Hinigitan pa ng programa ang dedikasyon nitong makatulong dahil linggo linggo ding nagbibigay ng libreng legal consutation sa publiko ang hosts an sina Atty. Jose at Jopet Sison sa pakikipagtulungan sa ABS-CBN Tulong Center.

Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo” episode na “OFW” sa ilalim ng direksyon ni Eric Quizon ngayong Sabado (Aug 27), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin muli ang nakaraang episodes ng programa via iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.