• EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
  • EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
Cristine, bubuwelta sa nagnakaw sa kanyang anak “Ipaglaban Mo”

Muling nababalik-telebisyon si Cristine Reyes at gaganap bilang manikuristang hahanapin ang kanyang anak matapos itong ipagbili ng mismong customer niya sa pinapasukang parlor sa “Ipaglaban Mo.”

Hindi lang isang beses naloko si Karen (Cristine Reyes) sa kanyang buhay. Katulad ng maraming kabataan, nabulag siya sa sobrang pagmamahal, nabuntis, at niloko ng kanyang nobyo.

Bagamat single mom ay hindi ito naging hadlang para magsumikap si Karen para sa anak na si Angel. Hindi nagtagal napakapasok rin siya sa isang parlor bilang manikurista. Doon nakilala niya ang customer na si Myla (Arlene Muhlach) na labis na kinagigiliwan ang kanyang anak. Palaging inaabutan ni Myla si Karen ng pera o hindi kaya gamit para kay Angel, kaya naman mabilis na gumaan ang loob ni Karen rito.

Isang araw, kinumbinse ni Myla si Karen upang payagan siyang pumunta ng mall kasama si Angel. Dahil kilala na ni Karen ang ginang, pinayagan niya si Myla na dalhin ang anak. Ngunit makalipas ang ilang oras, hindi pa bumabalik ang dalawa at hindi na niya mahagilap kung saan nagsuot si Myla.

Saan kaya dinala ni Myla si Angel? Magkasama pa kaya ang mag-ina?

Makakasama rin sa upcoming episode na ito sina Cris Villanueva, Raquel Monteza, Tart Carlos, at Jade Ecleo.

Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo” episode na “Takas” sa ilalim ng direksyon ni Darnel Villaflor ngayong Sabado (Mayo 27), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.