• EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
  • EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
Pangakong kasal kay Sofia, napako sa ‘Ipaglaban Mo’


Ang dalisay na pag-ibig ay hindi humihingi ng kapalit. Ito ang matututunan ni Sofia Andres ngayong Sabado (Pebrero 9) sa “Ipaglaban Mo” matapos mapako ang pangakong pagpapakasal sa kanya ng nobyo na may masamang balak sa kanyang puri.
 

Konserbatibo ang 17 gulang na si Jessica (Sofia) pagdating sa pagmamahal pero susubukan niya ang isang dating app para makahanap ng tunay na pag-ibig. Dito niya makikilala si Enzo (Kit Thompson), ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso at mangangakong pakakasalan siya.


Subalit makakalimutan ni Enzo ang binitawang pangako nang makuha ang gustong kapalit – ang pakikipag-siping ni Jessica sa kanya.
 

May magagawa ba si Jessica para mapanagot si Enzo sa napakong pangako?


Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang longest-running na legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.


Huwag palampasin ang “Paasa,” sa direksyon ni Chiqui Lacsamana, ngayong Sabado (Pebrero 9), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.