• EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
  • EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
Barbie Imperial, kababaliwan ni Tony Labrusca sa Ipaglaban Mo


Kahuhumalingan ni Tony Labrusca ang kababatang si Barbie Imperial at mauuwi sa isang karumaldumal na krimen ito ngayong Sabado (Mayo 4) sa “Ipaglaban Mo.”


Nagtatrabaho sa isang events place sa Manila si Mitch (Barbie) at umuuwi lamang sa kanilang probinsya kapag walang pasok para makasama ang amang si Abner (Gerald Madrid). Kapag wala si Mitch, ang kapitbahay at kababata na si Jerome (Tony) ang nakakasama ni Abner. 


Niligawan na ni Jerome noon pa si Mitch pero binasted ito. Sa muli nilang pakikita, susubok muli si Jerome na na ligawan siya ulit, ngunit tatanggihan siya nito dahil boyfriend na nito si Nathan (Elmo Magalona) na binabalak din niyang pakasalan. Sa lalim ng pagkahumaling ni Jerome sa dalaga, tatakutin niya ito at sasabihing papatayin sakaling magpakasal sa boyfriend.


Sa pagbalik-Manila ni Mitch, kukutuban itong tila laging may nakamasid at sumusunod sa kanya. Madidiskubre ni Mitch na nakatira sa katabi ng inuupahan niyang kwarto si Jerome. Magpapasya si Mitch na sabihin ito kay Nathan at magiging kampante sa piling ng nobyo.


Nang makitang magkausap ang mag-nobyo isang gabi, magdidilim ang paningin ni Jerome at mapapatay si Nathan. Sa imbestigasyon ng krimen, magpag-aalamang may napatay nang dalawa si Jerome noon.


Mabibigyan kaya ng hustisya ang pagkamatay ni Nathan? Paano maproprotektahan ng korte ang mga katulad ni Mitch sa mga “repeat-offender”? 


Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang nag-iisang legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.


Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.