• EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
  • EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
Vin Abrenica tampok sa kanyang unang "Ipaglaban Mo" episode
Mapapanood sa kanyang pinakaunang pagganap sa Kapamilya Network ang aktor na si Vin Abrenica ngayong Sabado (Oct 24) sa hit legal drama na “Ipaglaban Mo.”

Gagampanan ni Vin ang papel ni Donji, isang 23 taong gulang na lalaki na mabubuntis ang kanyang 16 taong gulang na kasintahan na si Lyka (Celine Lim).

Noong una ay pangangakuan ng binata ang menor de edad na pananagutan ito at pakakasalan ngunit kalaunan ay pinabayaan niya na ito.

Mauuwi sa korte ang laban matapos magsampa ang magulang ni Lyka ng kasong child abuse kay Donji. Managot kaya si Donji sa batas lalo pa’t pareho nilang ginusto ang naganap na pagtatalik?

Kasama rin sa episode sina Yayo Aguila, Elisse Joson, at Young JV.

Pakatutukan ang “Ipaglaban Mo” episode na “Tinalikurang Pangako,” sa direksyon ni Efren Vibar, ngayong Sabado (Oct 24) pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang mga social media account nito na www.Twitter.com/IpaglabanMoCh2, www.Instagram.com/IpaglabanmoABSCBN, at www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

LOOK: Vin Abrenica topbills first "Ipaglaban Mo" episode