• EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
  • EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
Roxanne, paglaban ang karapatan ng yumaong asawa sa "Ipaglaban Mo"


Itataguyod ni Roxanne Guinoo ang kanyang pamilya matapos mamatay ang asawa nito sa suicide sa Ipaglaban Mo ngayong Sabado (Enero 26).


Susubukin si Joyce (Roxanne) at ang kanyang pamilya matapos maaksidente sa trabaho ang asawa nitong si Lando (Joem Bascon). Si  Joyce (Roxanne) na misis ang tatayong breadwinner para sa kanila.


Sa paniniwalang wala na siyang silbi, malulugmok sa matinding depresyon si Lando hanggang sa isang araw, matatagpuan na lang siyang nag-bigti ng kanyang asawa.


Hanggang saan nga ba dapat magsakripisyo ang isang empleyado para sa trabaho? Makukuha ba nila Joyce ang mga karapat-dapat na benepisyo at ayuda para sa yumaong asawa?  


Handog ng Ipaglaban Mo, ang longest-running na legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.


Huwag palampasin ang “Depresyon,” sa direksyon ni Topel Lee, ngayong Sabado (Enero 26), pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.