• EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
  • EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
Hinagpis ng Pabayang Ama, Ilalahad sa “Ipaglaban Mo”

Hustisya ang sigaw ng isang pabayang ama sa sinapit ng anak na walang awang tinorture at nilibing nang buhay matapos pagbintangang nagnakaw ngayong Sabado (Agosto 19) sa hit legal drama ng ABS-CBN “Ipaglaban Mo.”

Mahirap man ang pamilyang kinalakihan, sinikap ni Otep (Izzy Canillo) na mag-aral kahit labag ito sa kagustuhan ng tatay nitong si Dario (Joem Bascon). Para suportahan ang pag-aaral, nagtrabaho siya sa perya bilang isang utusan. Kahit araw-araw siyang tampulan ng tukso ng mga kasamahan sa trabahong sina Atong (Nikko), Kiko  (Ryle Santiago), Ronnie (John Manalo) at Axel (Jairus Aquino), masigasig na pinagsabay ni Otep ang pagtratrabaho at pag-aaral.

Ngunit isang araw, nawalan ng pera ang perya at ang agad na pinagbintangan ay si Otep. Para umamin ang bata sa kasalanang di ginawa ay walang awa siyang tinorture ni Axel na humantong pa sa paglibing sa kanya ng binatilyo nang buhay.

Labis naman ang hinagpis ng ama na sisihin ang sarili sa pagpapabayang ginawa kay Otep.

Paano kaya makakamit ni Dario ang hustisya para sa anak? May aamin ba sa mga kalalakihang nakasaksi sa ginawa ni Axel?

Huwag palampasin ang episode ng “Ipaglaban Mo” na pinamagatang “Pabaya” sa ilalim ng direksyon ni Carlo Po-Artillaga ngayong Sabado (Agosto 19), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.