• EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
  • EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
Dalagita, minolestiya at nabuntis ng stepfather sa “Ipaglaban Mo”

Kaso ng pananamantala ng isang stepfather sa babaeng anak ng kanyang kinakasama ang bibigyan linaw ngayong Sabado (Sept. 9) sa hit legal drama ng ABS-CBN “Ipaglaban Mo.”

Musmos pa lamang si Letlet (Francine Diaz) nang iwan sila ng kanyang ama kaya naman labis ang saya nito nang pumasok sa buhay nila ng kanyang inang si Rochelle (Bianca Manalo) si Anton (Adrian Alandy).  Isang responsable at maalagang ama si Anton kay Letlet kaya ganoon na lang kalaki ang tiwala ni Rochelle na iwan ang anak sa kasintahan.

Ngunit nagbago ang lahat ng magdalaga ang anak. Napansin ni Rochelle na ito ay naging matamlay at tahimik.

Noong una’y ayaw pa umamin ni Letlet ngunit kalauna’y ibubulalas niya rin ang katotohanang hinahalay siya ng kanyang ama-amahan.

Ano ang gagawin ni Rochelle sa rebelasyong ito? Kakapampihan kaya niya ang anak o mas paniniwalaan ang kanyang kabiyak?

Huwag palampasin ang episode ng “Ipaglaban Mo” na pinamagatang “Pabaya” sa ilalim ng direksyon ni Paco Sta. Maria ngayong Sabado (Sept. 9), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.