• EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
  • EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
Andi, ipaglalaban ang karapatan bilang ina sa “Ipaglaban Mo”

Mababawi pa kaya ng isang ina ang kanyang anak matapos niya itong ipa-ampon?

Iyan ang kasong tututukan ng “Ipaglaban Mo” ngayong Sabado (Aug 26) tampok sina Nikki Valdez at Andi Eigenmann.

Dala ng kapusukan, mabubuntis ng wala sa oras ang dalagang si Rona (Andi Eigenmann). Handa naman itong panagutan ng live-in partner niyang si Nap (Jess Mendoza) kaya pinili nitong mangibang-bansa, ngunit hindi inasahang magkakaproblema ito sa employer. Lalo pang lumala pa ang problema nila nang ma-stroke ang tatay ni Rona.

Dahil sa patong-patong na problema, pinili ni Rona na magsinungaling kay Nap at sinabing pinalaglag niya ang bata. Pero ang katunayan ay pinaampon niya ang kanilang anak sa DSWD.

Ano kaya ang nag-udyok kay Rona para bawiin ang anak? Tuluyan na ba siyang mawalan ng karapatan bilang ina?

Huwag palampasin ang episode ng “Ipaglaban Mo” na pinamagatang “Ampon” sa ilalim ng direksyon ni Don Quaresma ngayong Sabado (Agosto 26), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.