• EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
  • EVERY SUNDAY AFTER FPJ DA KING
Ina Raymundo, inabuso ng sariling anak sa Ipaglaban Mo


Tampok si Ina Raymundo sa pagsasabuhay ng masalimuot na karanasan ng isang inang hinalay ng kanyang anak na lulong sa bawal na gamot ngayong Sabado (Hunyo 15) sa Ipaglaban Mo.


Hindi kinukunsinte ni Clara (Ina Raymundo) ang pagiging adik ni Gio (Neil Coleta). Sa katunayan, gusto niya itong ipa-rehab upang gumaling. Kaya lang, nananaig ang pagiging ina niya tuwing nagmamakaawa ang anak na huwag siyang dalhin sa rehabilitation center at nangangakong magbabago.


Ngunit hahantong sa matinding pagsisisi ang mapagkalingang ina matapos halayin siya ng anak. Labag man sa kanyang kalooban, mapipilitan si Clara na isuplong sa awtoridad ang anak na wala nang kinatatakutan.


Makapagtawad pa kaya ng inang nagdadalamhati sa pangbababoy sa kanya ng sariling anak? Mas matimbang ba ang dugo kaysa sa batas sa kahihinatnan ni Gio?  


Handog ng Ipaglaban Mo, ang nag-iisang legal drama sa bansa, ang mga kwentong base sa totoong buhay na maaaring kapulutan ng aral at kaalaman ng mga manonood tuwing Sabado. Bukod sa pagpapalabas nito ng makatotohanang episodes, nagbibigay din ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.


Huwag palampasin ang Ipaglaban Mo tuwing Sabado, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.