• EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
  • EVERY SATURDAY AFTER IT'S SHOWTIME
Barbie, napilitang bumigay kay sir sa Ipaglaban Mo

 

Bibida si Barbie Imperial ngayong Sabado (Jan 13) bilang isang estudyanteng napaikot sa pagmamahal ng kanyang guro sa “Ipaglaban Mo.”

 

Isa si Lexy sa masasabing ‘mean girls’ ng kanyang eskwelahan nang siya tumuntong siya ng kolehiyo. Paraan ito ng dalaga para makalimot sa problema sa bahay lalo na sa kanyang istriktong nanay na si Josie (Mickey Ferriols).

 

Malalagay sa alanganin ang kanyang mga grado at pagiging iskolar kaya naman magpapa-tutor siya sa kanyang guro na si Raffy (Adrian Alandy). Magiging malapit ang dalawa at aabot sa pagmamahalan ang kanilang ugnayan.

 

Noong una’y maayos pa ang kanilang relasyon at tinutulungan pa siya nito sa kanyang pag-aaral upang manatiling iskolar, pero hindi nagtagal ay lumabas na rin ang totoong kulay ng lalaki.

 

Isang araw, pipilitin siya nitong makipagtalik sa kanya. Tatanggihan sana niya ang guro ngunit nang pagbantaan siya nitong ibabagsak sa kanyang subjects at tatapusin ang scholarship ay wala nang nagawa ang dalaga kung hindi pumayag dito.

 

Ano kaya ang kahahantungan ng kanilang relasyon? Tatahimik na lang ba si Lexy o isusumbong niya na ito kay Josie?

 

Huwag palampasin ang  “Mulat” sa ilalim ng direksyon ni  Froy Leonardo ngayong Sabado (Jan 14), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

 

Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.