Mag-aalab ang telebisyon gabi-gabi sa isang kwento ng agawan ng puso sa pinakaaabangan at bagong serye ng ABS-CBN Star Creatives na Init Sa Magdamag, na pinagbibidahan ng tatlo sa pinakamaiinit na bituin ngayon na sina Gerald Anderson, Yam Concepcion, at JM de Guzman at mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5 simula Abril 19 (Lunes).
Mapapanood din sa Init Sa Magdamag sina Joey Marquez, Tetchie Agbayani, Aleck Bovick, Nikko Natividad, Mica Javier, Alexa Ilacad, Gab Lagman, Albie Casino Kate Alejandrino at Mark Oblea.
Ang Init Sa Magdamag ay nasa ilalim ng creative management ni Henry Quitain at ididirehe nina Ian Lorenos at Raymond Ocampo.
Panoorin ang pilot episode ng bagong serye mula sa Star Creatives simula Abril 17 sa iWantTFC app at TFC website, at sa WeTV iflix. Mapapanood naman ito simula Abril 19 sa TV5 at A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.
Mapapanood rin ito sa Abril 19 sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa), sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, at sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.