• MONDAY-FRIDAY AFTER HUWAG KANG MANGAMBA
  • MONDAY-FRIDAY AFTER HUWAG KANG MANGAMBA
Gerald at Jm, pag-aagawan ang puso ni Yam sa “Init Sa Magdamag”

Mag-aalab ang telebisyon gabi-gabi sa isang kwento ng agawan ng puso sa pinakaaabangan at bagong serye ng ABS-CBN Star Creatives na "Init Sa Magdamag," na pinagbibidahan ng tatlo sa pinakamaiinit na bituin ngayon na sina Gerald Anderson, Yam Concepcion, at JM de Guzman at mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5 simula Abril 19 (Lunes).

Gerald at Jm pag aagawan ang puso ni Yam sa Init Sa Magdamag  1

Gerald at Jm pag aagawan ang puso ni Yam sa Init Sa Magdamag  2

Ang “Init Sa Magdamag” ay nasa ilalim ng creative management ni Henry Quitain at ididirehe nina Ian Lorenos at Raymond Ocampo.

Mapapanood ang  “Init Sa Magdamag”  simula Abril 19 sa TV5 at A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Mapapanood rin ito sa Abril 19 sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa), sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, at sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.