Alex Gonzaga, lalaban na sa mga nanira sa kanya
Wala nang makapipigil pa sa pagbangon ng karakter ng Kapamilya TV host-actress na si Alex Gonzaga sa ‘ending na hindi pwedeng ismolin’ ng top-rating primetime fantaserye ng ABS-CBN na “Inday Bote” ngayong Biyernes (Mayo 29).

Sa pagbubunyag ng tunay niyang pagkatao, gagawin na ni Inday (Alex) ang lahat para itama ang lahat ng pagkakamali na ginawa ni Fiona (Aiko Melendez) sa pamilya niya.

Paano nga ba maaayos ni Inday ang lahat ng kaguluhan sa pamilya Vargas ngayong malalaman na ng lahat na siya ang nawawalang si Kristal? Mapipigilan pa ba niya ang kasamaan ni Fiona sa tulong ng mga duwendeng nagpoprotekta sa kanya? Sa huli, may kailangan nga bang magsakripisyo ng buhay para sa katahimikan at kapayapaan ng lahat?

Sa ilalim ng direksyon nina Manny Palo at Jon Villarin, tampok din sa “Inday Bote” sina Matteo Guidicelli, Kean Cipriano, Alicia Alonzo, Smokey Manaloto, Nikki Valdez, Malou Crisologo, Jeffrey Santos, Nanding Josef, Alora Sasam, Biboy Ramirez, Izzy Canillo, at Alonzo Muhlach.

Huwag palampasin ang ‘ending na hindi pwedeng ismolin’ ng “Inday Bote,” ngayong Biyernes na bago mag-“TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Inday Bote” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.