Mga kwentong puno ng inspirasyon na nagpapakita ng pakikisama, pakikipagkapwa, at bayanihan at nagdadala ng ngiti sa bawat manonood sa kabila ng pagsubok, ang ibibida ng public service program sa Kapamilya Channel na Iba 'Yan, na pangungunahan ng real life heroine na si Angel Locsin at eere tuwing Linggo simula Hunyo 14, 6:15 PM.
Tunghayan ang mga kakaibang kwento ng buhay ng ordinaryong Pilipino tulad ni Fr. Flavie Villanueva, na dating namuhay sa bisyo bago maging pari. Nagtayo ito ng "KALINGA" center, na nagbibigay ng pansamantalang tirahan sa mga taong nakatira sa kalsada at nagtuturo sa kanila ng pagiging responsabling mamamayan.
Tinulungan naman ng aktres at real-life public service advocate na si Angel at ng Iba 'Yan team si Fr. Flavie para ipagpatuloy nito ang kanyang kawang-gawa.
Panoorin din ang iba pang kwento sa unang episode ng Iba 'Yan, kasama ang kakaibang 'foot-tap' alcohol dispenser ni Engr. Albert Pizarro, ang viral Cebuano TikTok dancer na si Marco Cañeda, at ang nakakaaliw ng kwento ng candy vendor na si Tatay Carlos at bike seller na si Nanay Fe, ang mananahing si Queen Mamita, at volunteer rider na Neil Garcia.
Palabas ang Iba 'Yan tuwing Linggo, 6:15 PM sa bagong Kapamilya Channel, na matatagpuan sa SKY, Cablelink, G Sat, at iba pang cable o satellite service providers ng PCTA sa buong bansa. Mapapanood rin ito sa iWant at The Filipino Channel.