“I Can See Your Voice” may naiibang pa-birthday kay Angeline

Yeng, magiging SING-vestigator ngayong linggo…

Pahinga muna sa pagiging singvestigator ang Queen of Teleserye Theme Songs na si Angeline Quinto dahil bilang pa-birthday sa kanya ng “I Can See Your Voice” ay siya naman ang sasalang bilang celebrity guest na kinakailangan kumilatis kung sino ang see-nger at kung sino ang see-ntunad mula sa anim na secret songers.

Pansamantala namang papalit sa kanyang pwesto ang Pop Rock Royalty na si Yeng Constantino at makikigulo kasama ang iba pang Sing of the Crime Operatives.

Bukod kay Angeline, makikihula din ang beteranong singer na si Dingdong Avanzado. Magtagumpay kaya siya?

Noong nakaraang linggo ay parehas na bigo ang mutimedia star na si Toni Gonzaga at Prince of Pop na si Erik Santos na matukoy ang tunay na SEE-nger.

Magbago kaya ang kapalaran ng mga guest stars ngayong linggo? Swertihin kaya sina Angeline at Dingdong?

Huwag palalampasin ang “I Can See Your Voice,” tuwing Sabado at Linggo, 9:30pm sa ABS-CBN.