• SATURDAY PAGKATAPOS NG TV PATROL WEEKEND
  • SATURDAY PAGKATAPOS NG TV PATROL WEEKEND
Toni, ipinagtanggol si Clarence laban sa bullies sa "Home Sweetie Home"
Ipinagtanggol ni Toni Gonzaga (Julie) sa bullies ang kanyang kapatid na si Clarence (Rence) na pinipilit na mag-resign bilang class president ng kanyang classmate sa episode ng “Home Sweetie Home” ngayong Sabado (Hulyo 18).

Hindi parin matanggap ni Eddie (Izzy Go) ang pagkatalo bilang class president laban kay Rence kaya sasabihin niyang ginamit ni Rence ang impluwensiya ng kanyang ate Julie para manalo.

Alam ni Rence na hindi totoo ang pinagkakalat ni Eddie at mawawalan siya ng ganang pumasok sa school, hanggang sa mahuli ni Julie si Eddie at kanyang supporters na binu-bully na si Rence. Agad namang ipinagtanggol ni Julie ang nakababatang kapatid at pinagsabihan sina Eddie tungkol sa masamang epekto ng bullying.

Samantala, baha at brownout ang inabot ng tahanan nila Romeo at Julie dahil sa masamang panahon. Para maibsan ang bagot at maglibang sa bahay, ipinakita ni Romeo sa kanyang pamilya kung anong indoor activities ang pwedeng gawin sa loob ng bahay tuwing tag-ulan.

Ano kaya ang sasabihin ni Julie sa bullies? Anong indoor activities ang magiging bonding ng pamilya nina Romeo at Julie? Abangan ngayong Sabado.

Layunin ng “Home Sweetie Home” na mag tampok ng iba’t ibang sitwasyon na magtuturo at magtatanim ng good values sa bawat miyembro ng pamilya.

Panoorin din ang lahat ng ibang mga Kapamilya comedy shows na “Banana Split: Extra Scoop,” “LUV U,” at “Goin’ Bulilit.” Panoorin ang full episodes o past episodes ng “Home Sweetie Home” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.