• SATURDAY PAGKATAPOS NG TV PATROL WEEKEND
  • SATURDAY PAGKATAPOS NG TV PATROL WEEKEND
Toni Gonzaga, pangarap ang isang engrandeng kasal
Isang bongga at engrandeng kasal ang hangad ni Kapamilya royalty Toni Gonzaga ngayong Sabado (Abril 11) sa upcoming episode ng hit comedy sitcom na “Home Sweetie Home.” Manghihingi ng tulong si Jayjay (Jason Gainza) kina Julie (Toni Gonzaga) at Romeo (John Lloyd Cruz) para magplano ng surprise wedding para kay Jasmine (Cacai Bautista). Plano ni Jayjay na magpanggap sina Julie at Romeo bilang ang ikakasal, habang ang kapatid naman ni Jasmine na si Jasper (Pooh) ang magiging wedding planner para maitago ang surprise kay Jasmine. Pero magiging matagumpay kaya ang plano ni Jayjay o palpak ang kahahantungan nito?

Alamin ngayong Sabado (Arpil 11) sa “Home Sweetie Home,” 6PM! Abangan din ang lahat ng ibang mga Kapamilya comedy shows. Panoorin ang “Banana Split: Extra Scoop” tuwing Sabado pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya”, ang “Banana Nite” tuwing weekdays pagkatapos ng “Bandila”, ang “LUV U” tuwing Linggo pagkatapos ng “ASAP 20”, at ang “Goin’ Bulilit” tuwing Linggo pagkatapos ng “TV Patrol Weekend”.

Panoorin ang full episodes o past episodes ng “Home Sweetie Home” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.